Maririlag na mga Hagod ng Brotsa

Maririlag na mga Hagod ng Brotsa
Long Business Description

Masalimuot ang pinagdadaanan ni Max Martin. Ang kanyang karera sa pamamahayag ay bumabagsak. Ang kanyang buhay may asawa ay nanganganib at ang kanyang dalawang kagiliw-giliw na mga anak ay nasa malayo. Ang pagkakataong bisitahin ang lokal na Art Gallery ay nagtulak sa kanya upang hanapin ang pintor na sa tingin niya ay lubos na napapanahon. Sa pagtahak sa landas na ito, dinala siya ng paglalakbay niya sa New Zealand at sa ibayong kontinente. Nagpasya si Max na buhayin ang kanyang malamyang karera sa pagsusulat sa pamamagitan ng pagsulat ng isang nobela na ang pamagat ay Beautiful Brushstrokes. Itinala niya ang lahat ng kanyang pagsasaliksik sa kanyang kwaderno at kalaunan ay natuklasan niyang ang kanyang ginagawa ay nagiging higit pa sa pangkaraniwang proyekto.
Anong uri ng likhang sining ang nahanap niya sa galeriyang ito at saan siya dinala ng mga bakas nito?
Ano ang kanyang mga nahanap na nagpabago sa pananaw niya sa buhay at bakit siya nasadlak sa kabalintunaan ng mapaglarong tadhana na nagresulta sa aklat na ito?

Available at
Amazon, Kobo Store
Tags
Gass,
Language
Tagalog
Author
Marshall E. Gass

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *